Cart 0
Higit Kaysa Kayamanan (Tagalog)

Higit Kaysa Kayamanan (Tagalog)

$0.00

Ninanais mo bang magwagi ng malaking gantimpala sa ‘sweepstakes’?

Ilang taon lamang ang nakararaan, may isang masipag na lalaking bumili ng tiket sa ‘sweepstakes’. Siya’y napakahirap. Tulad ng maraming tao, nais niyang yumaman. “Ang kayamanan”, wika niya sa kanyang sarili, “ay lulutas ng lahat kong mga problema. Wala na akong suliranin kung ako’y mananalo.” Kay daming tao ang nag-iisip ng tulad nito. Maraming tiket ng ‘sweepstakes’ ang naipagbibili pagka’t maraming tao ang nais yumaman nang hindi gumagawa.

Ang lalaking ito’y napakasaya nang matuklasan niyang ang kanyang tiket ay nagwagi. Sa paghahanap ng pinakamabuting paraan upang magugol ang kanyang bagong kapalaran, bumili siya ng isang restoran at nagpasimulang mag-buhay-mayaman. Hindi nagtagal, ang restoran ng lalaking ito ay nalugi. Naging madali para sa kanya ang magpalit ng kalagayan mula sa pagiging alila tungo sa pagiging may-ari ng restoran. Subali’t naging napakahirap para sa mayamang lalaking yaon na maging mahirap na muli. Di nagtagal, ang kanyang bangkay ay natagpuang lumulutang sa dagat. Siya’y nagpatiwakal. Kayamanan ang naging san’ hi ng kanyang kamatayan.

“Sinusumpa ko ang araw na manalo ako ng PI 00,000.00” wika ng isang lalaki. Napanalunan niya ang napakalaking halagang ito sa isang sugal. Sapat na ang salaping yaon, naisip niya noon, upang guminhawa at lumigaya ang kanyang pamilya.

Datapuwa’t kamakailan lamang, sinabi niya sa isang kaibigan na “maligaya ako bago ang panahong yaon. Ngayon, wala akong kasing-lungkot. Hiniwalayan ako ng aking maybahay at isinama sampu ng apat kong anak. Isang buwan akong nabilanggo. Nagkakautang ako sa bangko ng halagang P20,OOO.OO. Ang lahat ng ito’y bunga ng pananalo ko ng PIOO,OOO.OO. Sinusumpa ko ang araw na yaon na ako’y nanalo.” Kayamanan ang naging sanhi ng lahat ng kalungkutang ito. Ang kayamanan ang bumili ng alak, nagsugal at nagdulot ng marami pang kasamaan. Ang mga kasamaang ito ang nagwasak ng sambahayan at kaligayahan ng lalaking ito.

Kung iyong pakaiisipin, iyong matatanto na ang kayamanan kailanma’y hindi nagtatagal. Ang kayamanan ay hindi tunay na nakapagbibigay-kasiyahan. Ang aliw ng sanlibutan ay napaparam, ang mga kaluwalhatian niyao’y lumilipas. Ang pagbabago at pagkabulok ay nakikita sa paligid. Ang salapi ay makabibili ng pagkain, nguni’t hindi makabibili ng kalusugan. Ang salapi’y makabibili ng mga aklat, nguni’t hindi ito makabibili ng karunungan. Ang salapi’y makabibili ng seguro, nguni’t hindi makabibili ng buhay. Ang pinakamabubuting bagay ng buhay ay walang bayad. Ang sinagaraw, sariwang hangin, kalusugan, at mismong buhay ay walang bayad na kaloob ng Dios.

Maraming bagay sa buhay ang nagbabago. Ang mga tao’y nagbabago. Ang panahon ay nagbabago. Walang anomang ginawa ang tao na nagtatagal. Ang mga gusali ay gumuguho, ang mga bansa ay bumabagsak. Ang gulang at panahon ay bumubulok sa lahat ng bagay. Ang tao at ang mga bagay na likha ng tao ay nagiging biktima ng paglipas ng panahon. Ang buhay ay tulad ng isang hamog sa umaga. Walang nakababatid kung ano ang mangyayari sa kinabukasan.

Bakit ang sanlibutang ito’y lubhang mapagbago? Ang tao’y isinisilang, lumalaki, tumatanda at namamatay. Wala siyang dinadala sa sanlibutan at walang nadadala mula sa sanlibutan. Walang sinomang makatatanan sa kamatayan. Ang Biblia, ang Aklat ng Dios, ay nagsasabi. “Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan.” Ang mga dukha’y namamatay, ang mayayaman ay namamatay. Ilang taon lamang ang buhay ng tao.

Ang buhay sa napakaraming tao ay napakapait at walang kabuluhan. Maraming tao ang hindi maligaya. Ang buhay ay hindi kinakailangang maging gayon. Ang tunay at buhay na Dios ay nagnanais na magkaroon ka ng buhay na maligaya at kapaki-pakinabang. Nilikha ng Dios ang boong kalawakan. Nilikha ng Dios ang tao. Nais ng Dios na mamuhay ka ng isang payapa at mabungang buhay.

Maraming tao ang namumuhay na laging saklot ng pagkatakot sa kamatayan. Ito’y sapagka’t hindi nila nakikilala ang tunay na Dios. Inalis na ng Dios ang pagkatakot sa kamatayan. Bayaan mong ipaliwanag ko.

Ang tao’y nilikha ng Dios. Ang bawa’t tao’y isang katawan na tinatahanan ng kaluluwa. Ang iyong kaluluwa ay ikaw, ang tunay na tao na nananahanan sa iyong katawan. Ang kaluluwang ito na nilikha ng Dios ay hindi kailanman mamamatay. Ang katawan ay tumatanda, nagdurusa at namamatay. Ang katawan ay inililibing. Ang kaluluwa ay nabubuhay magpakailanman.

Kailangan ng kaluluwa ng tao ang Dios Ang tao ay laging naghahanap sa Dios. Hindi niya natatagpuan ang Dios sapagka’t ginagawa niya ang mga bagay na itinuro ng Dios na huwag niyang gawin. Ito ang kasalanan. Ang kasalanan ay ang pagsuway sa Dios. Ginawa na ng Dios ang paraan upang ang kasalanan ng tao ay mapatawad at lubusang maalis. Sinasabi ng Dios “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan (sa Kanya) ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan (kasalanan).”

Nakararami ang mga taong nag-aakalang sila’y mabuti. Naiisip nila ang kanilang mga mabubuting gawa lamang at nalilimutan ang kanilang masasamang gawain at masasamang isipan. Ang Dios ay hindi nakalilimot. Sinasabi ng Dios “ang lahat ay nangagkasala.” Ang taong matalino ay maniniwala sa sinasabi ng Dios.

Kapag ang kaluluwa ng tao ay nalinis na mula sa kasalanan, hindi na siya matatakot sa buhay o kamatayan. Magkakaroon ng tunay na kapayapaan sa kanyang puso, at masisiyahan siyang mabuhay pagka’t nabubuhay siya sa tamang kaugnayan sa kanyang Manlilikha, ang Dios. Ang kayamanan ay hindi makabibili ng kapatawaran sa mga kasalanan o ng kapayapaan ng Dios. Ang mga ito’y walang bayad na ibibigay ng Dios sa sinomang tapat at nagsisisi. Ang mga kaloob ng Dios ay higit kaysa kayamanan. Ang kayamanan ay bumibigo. Ang Dios ay hindi kailanman bumibigo.

Magsisi ka ng iyong mga kasalanan. Hilingin mo sa Dios na patawarin ka Niya. Bibigyan ka Niya ng wagas na kaligayahan at kapatawaran. Kung magkagayo’y magkakamit ka ng kapayapaan sa Dios.



More from this collection